Tuesday, October 1, 2013

PUP Pylon Run 2013

Sta. Mesa, Maynila, Oktubre 1, 2013 Idinaos ang araw ng pagkatatag ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) at isang tradition ang idinaraos, ang PUP Pylon Run.

Ang Pylon Run ay isa sa pinakaabangang kaganapan tuwing araw ng pagkatatag ng PUP, ito ay ang bersyon ng PUP ng Oblation Run ng Unibersidad ng Pilipinas. Idinaraos ito tuwing Oktubre kasabay ng pagdiriwang ng pagkatatag ng PUP. Ang takbo na ito ay kinilala dahil sa kakaiba nitong pagpapahayag ng saloobin, at ito ay ang pagtakbo ng mga kalalakihang naka hubo’t hubad.

Pinasinayaan ito ng Alpha Phi Omega Fraternity, Eta Omicron Chapter ng PUP.  Taon taon idinaraos nila (APO Fraternity) ito upang ipahayag nila ang kanilang saloobin sa mga issue ng lipunan lalo na ang mga issue na nakakaapekto sa PUP. Ngayong taon ipinaglalaban nila ang mas mataas na badyet para sa PUP.


Isa itong tradisyon na nagsimula sa Unibersidad ng Pilipinas at di kalaunan ay dinala ito ng APO Fraternity sa iba’t ibang unibersidad kabilang na dito ang PUP. Hubo’t hubad at naka maskara yan ang tatak ng parada na iyan, ito ay upang ipahayag nila na ang “taong hubad ay walang tinatagong lihim”. Na napapanahon din sa iba’t ibang issue na hinaharap ng ating lipunan.


Ang takbo o parada na ito ay noon pa man ay mariing tinutulan ng simbahan, mga konserbatibo at ng ilang politiko sa kadahilanang ito daw ay bastos at hindi akma sa batas ng disenteng lipunan. Gayunpaman ay kinatigan ito ng ibang politko na nagsasabi ito ay parte ng “Freedom of Speech” at ito ay ang paraan nila ng malayang pagpapahayag.


Sa huli ang tradisyong ito ay inaabangan ng marami,estudyante, mga pamunuan ng unibersidad, mga mamahayag at ilang mga taong interesadong makita ang natatanging parada ng mga kalalakihang nasa likod ng maskara na naka hubo’t hubad na nagpapahayag ng kanilang mga saloobin sa bayan.