Thursday, December 26, 2013

Christmas Gift


This was my gift last Christmas few days ago. Simple yet meaningful. It reminds me the true meaning of Christmas, it is all because of him, his birth, the man on the cross . Without him there will be no Christmas, not only Christmas but also our salvation.

Wednesday, December 25, 2013

Pack your bags!


Pack your bags and let's explore the nature! There is a bigger world at the opposite side of your windows. sergeantkero(c)2013

Friday, November 22, 2013

Join the Army

This is one of my projects last semester which is to make brochure or flyer. This is my version of the Philippine Army's Recruitment Flyers






ROTC: Empowering the youth for peace and progress

This is my piece of speech, at the speech contest held by the Army Reserve Command, NCRRCDG at Camp Aguinaldo, Quezon City, Philippines.

ROTC: Empowering the youth for peace and progress

“Why take the hard way, if there’s an easy way,”this is the common belief that will come out from the mouth of an average and malingering human being, but taking the Reserved Officer Training Corps (ROTC) as their National Service Training Program (NSTP) will make them no average human being. Cadets like me stepped out from the rest, to be above all the rest. Taking up the Civic Welfare Training Service (CWTS) will not be extraordinary unlike a militiaman experiences.

Not all students in the tertiary level have the guts and courage to take ROTC as their NSTP or to enter a Military Service, but why do these students outside the military profession did not take this path of being a future reservist, a defender of the republic and a keeper of harmony among the Filipinos? First, they say that in ROTC, they will stand up under the heat of the sun for a long time. Yes, they will, because that is a part of their training; however, they will not stand up that long that is to be too hazardous for them. Second, they say that hazing is rampant and is being conducted to cadets in ROTC. Hazing is clearly not tolerable in the organization. How will a cadet empower peace and progress if he will be exposed to unlawful violence such as it? Third, ROTC is full of burdens and hardships. These people consider physical trainings as burdens and hardships, but truthfully, these are only parts and parcels of their training as future defenders of the state. Physical training is for the betterment of their lives.These are the three common reasons why some students resisted to be a part of the corps: the fear for the sunrays, the hazing gossip and the inevitable complaint that ROTC will give them heavy burdens.

They or even the civilian world perceive only the one side of the coin, the negative side of Military Service and keep on believing the ROTC fallacies without investigative verification.

ROTC promotes patriotism, moral values, virtues, respect for rights of the civilian and adherence to the constitution—these are the core values on empowering peace and progress. The cadets are casted and honed to be future leaders of our country and to be the hope of our nation, here where some of our finest warriors are products of the ROTC. They are equipped mentally, physically, socially and emotionally. They are trained to be disciplined, to build a better personality, and to overcome weaknesses. Military Professionalism is not the only lesson taught here but also the Conduct of a good Civilian. ROTC is a good way of keeping the youth away from harmful vices. 

As Rizal quoted, “The youth are the hope of the nation,” ROTC Cadets, as part of the youth sector, are the hope of the nation and one of the primary movers on empowering peace and progress.

As they come back to civilian life, they are prepared to be a soldier, a leader, and a better member of the society.They are deployed as civilians to contribute in the development and progress of the society. What parents had not taught to their children for years, can be acquired in several Sunday trainings in ROTC.

The reservists,including the ROTC Cadets are the backbone of the Armed Forces of the Philippines (AFP) as well as the society. The ROTC Cadets, Reservists and the Regular Force, together with their Civilian Counterparts are having a joined force for the betterment and the advancement of the Philippines. The Military especially the reserve force supports all civic welfare activities done by the government and some non-government organizations (NGOs). In regard with this, the Armed Forces of the Philippines (AFP) launched the OPLAN Bayanihan that was criticized by numerous activists, leftists and detractors.  Despite of the criticisms, the operation was pursued and is successfully continued to help the civilians. Such activities that truly help are food programs, medical missions, cleanup drives and other civic and humanitarian efforts.This aims to promote peace and to prevent armed struggle among the Filipinos. In times of catastrophe and calamity, the ready reserve force, civilian rescue teams and a number of ROTC cadets are called to respond, help and rescue the people in need. These soldiers remained in active duty to conduct relief operations. These duties and service to the nation may be done not only by the Cadets or men in military service, but also by people in the civilian community or any ordinary citizen in the society. Small actions can make a big difference. Men in uniform cannot do these things all by themselves effectively, if the civilians will not come in aid to them or cooperate with them to make a big difference.In this we can say that military is no powerful or more useful than the civilians. Men in uniform have been trained to gain more abilities,and to uphold the civilian supremacy at all times.

The ROTC Cadets magnifies the epitomical image of an ideal Filipino who contributes to the progress and keeping the harmony among the Filipinos in the Philippines.

This shows that the ROTC Cadets as a future reservist are the epitome of ideal citizens who have a heart to sympathize with his fellow Filipinos. We are young soldiers who have patriotic willingness to preserve the peace and order in the country. Be a young hero, join the unit, be an ROTC Cadet!

Thursday, November 21, 2013

Suhestyon para maimprove ang ating PAGASA

Ang PAGASA o ang  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang ating literal na  pag asa ng mga Pilipino pag dating sa Weather Forecasting, kundi dahil sa kanilang weather forecasts walang pagbabatayan ng paghahanda ang gobyerno ng Pilipinas para sa kapanan ng mga Pilipino (kahit mayroong forecast hindi pa rin naman nakakapaghanda ang gobyerno ng husto XD).
Pero bakit sa tingin nyo nahihirapan pa rin ang PAGASA na makapagbigay ng mas accurate na balita o weather forecasts? 

Maraming dahilan, una kulang sa kagamitan, pangalawa wala o kulang ang budyet para sa benepisyo ng mga empleyado at dahil sa kawalan ng budyet para sa benepisyo ng empleyado ng PAGASA ang mga weather forecasters natin ay isa isa nang umaaalis tungo sa ibang bansa upang magturo o maging weather forecaster din dahil doon ay may mas malaking sa sahod at benepisyo.

Kakayanin naman ng Pilipinas kahit papaano ang kakulangan sa kagamitan pero, ang kakulangan sa tao ang mahirap. Sino ang magpapagana ng mga kagamitan? at sino ang mag iintindi at magsasabi sa mga tao kung walang nakakaalam ng mga ito.

Si Mang Tani o si  Nathaniel Cruz, ang opisyal na weather forecaster ng GMA Network, ay isang dating weather forecaster at Direktor ng  PAGASA na nangibang bansa upang magturo ng Metreology sa Australia at magcontribute sa  Bureau of Metreology ng Australia.

Sa isang panayam ni Mike Enriquez kung bakit siya nangibang bansa ito ang kanyang sagot "Mike nabigyan tayo ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Bureau of Meteorology, kaya yung ating kaalaman na natutunan dito sa Pilipinas ay mas nadagdagan dahil dun sa natutunan natin dun sa bansang Australia." 

Dahil sa kakulangan ng benepisyo sa mga weather forecasters natin napipilitan silang lisanin ang Pilipinas para sa mas malaking benepisyo at experience. Sino ba ang tatanggi sa mas malaking sahod na inaalok ng ibang bansa? 

Kaya nagkakaroon tayo ng tinatawag na brain drain. Ang ating mga propesyonal kasama na dito ang ating mga weather forecasters ay lumilisan para sa mas malaki na sahod at experience. 

Sabi ni Mang Tani noon sa isang panayam, sa Australia ay halos hindi lalagpas sa lima ang dami ng bagyo roon kumpara sa mahigit 20 na bagyo na bumubwisita sa ating bansa, sa paglisan ng ating mga weather forecasters, inimumungkahi ko na imungkahi ng ating gobyerno sa mga karatig bansa na hindi nakakaranas ng ganoong karaming bagyo gaya ng sa Australia na lahat ng mga estudyanteng nagaaral ng Metreology ay mag OJT - On the job training sa Pilipinas, lalo na sa panahon ng tag ulan mga anim na buwan na ay sasapat na. Sa dami ng bagyo na dumadating sa Pilipinas ay siguradong makakakuha sila ng maraming experience sa weather forecasting at matututo sila na gumalaw kahit kakaunti ang kagamitan, gaya ng mga estudyante ng PUP na kung saan natututo sila kahit salat sa yaman at kagamitan. Sa pagpunta ng mga foreign OJT sa Pilipinas, gobyerno ang sasagot sa allowance at board and lodging nila dito sa pinas mas maliit di hamak sa pagpapasahod at pangbenepisyo sa mga empleyado. 

Ang mungkahing ito ay hindi pangmatagalang solusyon sa brain drain na nagaganap sa PAGASA bagkus ay isang band aid solusyon habang hindi pa maayos ng gobyerno ang usaping pinansyal ng PAGASA. Hindi naman maari na puro banyaga ang magkaroon ng trabaho lalo na sa gobyerno.

Wednesday, November 20, 2013

ROTC? Mali ang hinala mo

Ang sulating ito ay bilang tugon sa isang lathala na kung saan ang Reserved Officers’ Training Corps ng Polytechnic University of the Philippines ay lantarang pinaparatangan ng mga mali at malisyosong isyu.
Ang ROTC ay hindi nagpapanggap na militar o mga militar na nagkukubli sa likod ng mga kabataang kadete, bagkus ito ay ipinapakita nila na sila ay parte ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at hindi nila ito ipinagkakaila.

 Hinding hindi magiging pasista ang ROTC o ang militar man dahil tayo ay nasa demokratikong bansa, ibang iba ang idealismo ng pasismo sa demokratiko kung saan ang ating bansa ay naayon. Lahat ng kinikilos ng militar ay naayon sa batas, walang supresyon ang naganap mula sa militar o batas militar na ipinatutupad upang ayusin ang gusot sa bansa.

Walang pilitan ang nagaganap upang ienrol ng isang estudyante ang  ROTC bilang National Sevice Training Program (NSTP) subject nya. Sinasabi nila na iba sa interviewer ay awtomatikong ginagawang ROTC ang kanilang NSTP, kung ginagawa nga ito ng mga interviewer mas marami parin ang awtomatikong nilalagay ang CWTS bilang NSTP dahil marami pa rin sa mga estudyante ang pinipili ang CWTS dahil sa gaan ng responsibilidad na ibinibigay rito.

Kung ginawagwa man ng ibang interviewer ito, naiisip rin siguro nila na dapat dagdagan ang mga laang kawal ng Pilipinas upang mas maraming magtatanggol sa Pilipinas sa oras ng kagipitan.

Ang mga sexy na model na nababanggit nya ay ang tinatawag na “Corps of Sponsors”. Totoo sila ay mga sexy at magaganda pero hindi lang iyon natatapos doon, dahil sa maganda rin sila sa panloob at may laman din ang utak. Masusi silang pinili upang magsilbing tulay ng mga kadete sa kanilang mga opisyal kung nahihiya man sila na lumapit ng personal sa mga opisyal at sila rin ang nagsisilbing tulay sa mga militar at sibilyan.

“Muka ba kaming nahihirapan?”  oo hinde pero sa muli wag na wag kayong manghuhusga sa unang tingin. Tulad ng mga kadete sumasabak din sila sa putikan at nabibilad rin sa araw. Ito ay upang maipakita na rin na isa sila sa mga kadete at pantay pantay din sila.

Totoo na ibibilad kayo sa araw dahil parte iyon ng training bilang isang kadete, pero hindi binibilad ang mga kadete ng matagal na kung saan ay makakasama na ito sa kalusugan ng mga kadete, makikita natin na ang ilan sa mga opisyales ay nasa lilim bagkus sa lugar nila mas makikita ang kalagayan ng mga kadete sa pangkalahatan at dinanas narin nila ang mabilad sa araw dahil bilang isang sundalo naging kadete na rin sila at mas matindi pa dahil iba na ang kurikulum ng ROTC ngayon kumpara noon.

Tinuturuan ang mga kadete ng tamang disiplina, disiplinang militar na magagamit din sa pang araw araw na buhay, ang  buhay sibilyan. Dito rin naghuhulma ng mga makabagong lider na gagabay sa bagong henerasyon ng lipunan, hindi mawawala dito ang paghanda sa mga kadete para sa mga hinaharap na sakuna o gyera dahil sa pagtatapos ang mga kadeteng ito sila ay magiging parte ng Laang Kawal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Habang walang gyera o sakunang nagaganap ang mga Laang Kawal na ito ay tumutulong sa mga Medical Missions, Outreach Programs o mga Aktibidad na makakatulong sa komunidad, kaya mali ang paratang na puro pagtuligsa sa mga aktibista at komunista ang itinuturo sa mga kadete.



Kaya kung sinsabi ng mga aktibista na “Serve the People” ito ang paraan ng ROTC ng pagsilbi sa bayan. 

Istorya sa Likod ng mga Tren

Siguro sa pagkabasa mo ng title ng blog na ito aakalain mong history, iskandalo o issue ng pagtaas ng pamasahe sa mga tren. Pero ito ay tungkol sa iba’t ibang anggulo o istorya sa pag ibig na bibigyang kulay natin sa pamamagitan ng tren.

Sa araw araw na ginawa ng diyos, karamihan sa atin ay sumsakay ng tren papasok sa ating mga paroroonan, papasok sa eskwelahan, sa trabaho o saan mang destinasyon na tayo ay paparoon. Pero bakit kaya may mga aberyang nagaganap na hindi natin inaasahan at hindi natin alam kung bakit pa ito nangyari kung kailan tayo ay nagmamadali o may hinahabol.

Sa tuwing tayo pipila para bumili ng tiket para makasakay ng tren, asar na asar tayo kung bakit ba napakahaba ng pila pero bakit pumipila parin tayo kahit naasar na tayo?  Dahil sa dulo ng pila ay isang bagay na kailangan natin, isang bagay na mahirap mawala. Parang sa panliligaw kung bakit ba sa tagal ng ating pagsuyo sa ating minamahal bakit hindi pa rin tayo sumusuko? Dahil sa dulo ng ating paghintay at pagpila nandoon ang ating tiket tungo sa matamis na oo ng ating minamahal. Ang pagmamahal na ito ang isang bagay na ating pinipilahan at hinihintay na mahirap at ayaw nating mawala.

Pero kung tatanungin ninyo bakit sa mga nanliligaw ay may sumusuko o bigla na lang nawawala? Parang sa pila ng tiket sa LRT, may mga taong umaalis sa pila dahil sa may mga nag bago ang isip na mag bubus na lang o mag jijeep na lang ako dahil mas mura at hindi masasayang ang oras nya sa pagpila lalo na kung nagmamadali ito at mainipin, at sa pagmamadali nito hindi niya namalayan na malapit na pala siya sa counter kung saan matatanggap na nila ang tiket. May mga taong bigla na lang nagbabago ang isip at biglang ititigil ang kanyang panliligaw dahil sa pagkakaalam nya, nasasayang ang kanyang oras dito at may bagay na dapat syang mas pagtuunan ng pansin, at sa pag atras nya ito indi nya namalayan na sasagutin nap ala sya nito.

Minsan kaya sila umaalis sa pila ay dahil mayroong bagong bintana na nagbukas na kung saan ay mas maikli ang pila at makukuha nya ang tiket na mas maaga, marahil kaya sila huminto sa panliligaw ay dahil sa may nakilala sila na sa tingin nila na ay dito nila makikita ang hinahanap nila ng mas maaga. O kaya’y mali ang pinilahan nila at alam nilang wala silang mapapalang tiket o ang matamis na oo dito.

Sa ating pagmamadali makarating sa ating paroroonan, hindi  maiwasan na tayo ay mapagiwanan ng tren, na minsan ay gusto nating bumaba ng riles at habulin, pahintuin at para tayo ay pasakayin nito, pero hindi. Sa buhay minsan kahit anong paggusto mo  sa isang bagay o tao at kahit anong pursige mo para makamtan siya ay bigo ka parin at nawawala pa rin ito.

Napagiwanan na tayo ng tren, tayo’y nanlumo at nalungkot dahil sa isang tren na iyon marami na ang nawala. Kung dahil sa tren na iyon ay ang tanging paraan upang ikaw ay hindi mahuli o malate sa ating klase o trabaho. Kung malate ka sa iyong klase ay maaring bumaba ang iyong marka, kung mahuli ka man sa iyong trabaho ay maaring mabawasan ang iyong sahod.


Paano kung ang tren na iyon ay ang taong iyong pinapangarap ang iyong minamahal. Ikaw ay malulungkot kung ang taong iyon ay iniwan ka at iniwang malungkot at minsan nag iisa. Pero hindi natin naiisip na may isa pang tren nadadating upang tayo ay sunduin at punan ang ating kalungkutan, hindi mo naiisip na may iba pang taong dadating para punan ang lahat ng pagkukulang na nauna sa kanya, isang taong marahil ay hindi na ka iiwanan.

Sa pagdating ng tren, minsan mabibigla na lang tayo sa dami ng tao sa loob nito, at ipagsisiksikan parin natin ang ating sarili sa tren na iyon, kahit halos ipagtulakan na tayo palabas ng tren dahil sa dami ng laman nito. Marahil ay dahil sa mayroon tayong gustong marating at makamtan kahit mahirap dahil kailangan. Parang sa isang taong hindi ka naman mahal pero pilit mo parin isiniksik ang sarili mo sa kanila, dahil parang sa tren mayroon kang gustong marating kahit ipagtulakan ka pa palabas hahanap ka pa rin ng paraan upang mapanatili natin kung anuman ang meron kayo mapapagkakaibigin man o palapit sa pagkakaibigan man yan. Kahit nasasaktan at naiipit ka na kakayanin mo kasi iniisip mo na sa bandang dulo ay makakarating ka rin at makakaginhawa ka rin.


 Sa estasyon ng tren marming bumababa at sumsakay, marami ang dumadating at umaalis, may bagong salta at mayroon din mga beterano sa balyahan sa tren. Ang siklo at proseso na ito ay patuloy lang habang nasa operasyon ang tren. Sa buhay, marming dadating sa buhay mo para paligayahin ka, paiyakin ka o baguhin ka. Pero hindi lahat ng taong dumadating na ito ay panghabang buhay na nasa iyo o nariyan para sa iyo. Aalis at aalis din ang mga taong iyan para muling paligayahin ka, paiyakin ka o baguhin ka. Sa pag alis ng mga taong ito muling may dadating sa buhay mo maaring sila’y mas mabuti o mas masama kung ikukumpara sa mga taong umalis sa buhay mo pero sa huli ito ay para sa muli ay paligayahin ka, paiyakin ka o baguhin ka. Ang siklong ito ay walang katapusan hanggang sa iyong katapusan.

Tuesday, October 1, 2013

PUP Pylon Run 2013

Sta. Mesa, Maynila, Oktubre 1, 2013 Idinaos ang araw ng pagkatatag ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) at isang tradition ang idinaraos, ang PUP Pylon Run.

Ang Pylon Run ay isa sa pinakaabangang kaganapan tuwing araw ng pagkatatag ng PUP, ito ay ang bersyon ng PUP ng Oblation Run ng Unibersidad ng Pilipinas. Idinaraos ito tuwing Oktubre kasabay ng pagdiriwang ng pagkatatag ng PUP. Ang takbo na ito ay kinilala dahil sa kakaiba nitong pagpapahayag ng saloobin, at ito ay ang pagtakbo ng mga kalalakihang naka hubo’t hubad.

Pinasinayaan ito ng Alpha Phi Omega Fraternity, Eta Omicron Chapter ng PUP.  Taon taon idinaraos nila (APO Fraternity) ito upang ipahayag nila ang kanilang saloobin sa mga issue ng lipunan lalo na ang mga issue na nakakaapekto sa PUP. Ngayong taon ipinaglalaban nila ang mas mataas na badyet para sa PUP.


Isa itong tradisyon na nagsimula sa Unibersidad ng Pilipinas at di kalaunan ay dinala ito ng APO Fraternity sa iba’t ibang unibersidad kabilang na dito ang PUP. Hubo’t hubad at naka maskara yan ang tatak ng parada na iyan, ito ay upang ipahayag nila na ang “taong hubad ay walang tinatagong lihim”. Na napapanahon din sa iba’t ibang issue na hinaharap ng ating lipunan.


Ang takbo o parada na ito ay noon pa man ay mariing tinutulan ng simbahan, mga konserbatibo at ng ilang politiko sa kadahilanang ito daw ay bastos at hindi akma sa batas ng disenteng lipunan. Gayunpaman ay kinatigan ito ng ibang politko na nagsasabi ito ay parte ng “Freedom of Speech” at ito ay ang paraan nila ng malayang pagpapahayag.


Sa huli ang tradisyong ito ay inaabangan ng marami,estudyante, mga pamunuan ng unibersidad, mga mamahayag at ilang mga taong interesadong makita ang natatanging parada ng mga kalalakihang nasa likod ng maskara na naka hubo’t hubad na nagpapahayag ng kanilang mga saloobin sa bayan.