AHMC Presidente at CEO Andres Licaros Jr. proud na pinapakita ang logo ng bagong ACI
DIEGO MARIANO, INQUIRER
|
SANA maraming Pilipino ang mag-Philhealth,” sinabi ni Dr.
Joven Tanchuco, Asian Cancer Institute (ACI) Chief Medical Officer, sa araw ng
pagtatag sa kauna-unahang Asian Cancer Institute (ACI) ng Asian Hospital and
Medical Center (AHMC) sa Pilipinas.
Hinihikayat ng ACI ang mga Pilipino na magpa-insure sa
Philhealth bilang paghahanda sa anumang hindi inaasahang problemang
pangkalusugan, lalong lalo na sa sakit na kanser, o “Big C.” Hindi lingid sa
kaalaman ng pamunuan ng AHMC ang hirap at gastos ng pagpapagamot mula sa sakit
na Kanser.
“Dalawa lang ang pinangangambahan ng mga tao sa tuwing
malalaman nilang mayroon silang kanser, una, gagaling ba ako diyan? At
pangalawa, baka naman maubos ang kabuhayan ko diyan,” ani AHMC Presidente at CEO Andres Licaros Jr. Dahil sa dalawang rason na binanggit ni Licaros,
nag-isip ang AHMC kung paano matutugunan ang pangangailangang pang-medikal
lalong lalo na sa kanser ng mga Pilipino, at ito nga ang pagtatag ng ACI upang
tugunan ang mga problemang ito sa mabilis at makabagong pamamaraan.
Ang makabago at mabilis na pamamaraan na ito ay ang
pagpapakilala ng “multi-disciplinary care” o ang paggamit ng iba’t ibang
disiplina ng medisina sa paglunas ng sakit at ang pagbili ng mga makabagong
kagamitang pang-medikal mula sa ibang bansa, mga kagamitang wala pa sa
Pilipinas sa ngayon. Ayon kay Dr. Enrico Tangco, special projects coordinator
ng ACI, “We hope to increase the cure rate, the quality of care for the
patient, and the quality of life of the patient.”
Sa multidisciplinary care na ito, hindi lamang iisang doktor
ang susuri sa pasyente kundi isang grupo na nagmumula sa iba’t ibang disiplina
ng medisina para sa mas wastong pagsusuri ng sakit. Sa bagong tatag na ACI
matatagpuan ang pinakabagong kagamitan pangmedisina mula sa ibang bansa tulad
ng TomoTherapy HAD-H at ng Brachytheraphy.
Ang iba sa ospital na ito ay ang kanilang uri ng pag-aaruga,
na kung saan ipadarama nila na hindi nag-iisa ang pasyente na kailangan ng
isang “team” upang labanan ang sakit na kanser, kasama na rito ang mga
aktibidad na kasama ang pamilya ng may sakit tulad ng yoga, laughter at aroma
therapy, at alagang ispiritwal, pati na rin ang pagkain ng mga pagkaing herbal
at masustansya.
Sa mga serbisyo ng ACI, maaring masabing hindi mura ang mga
gamutang ito, bagama’t ayon kay Licaros “kailangan din naman naming i-maintain
ang mga kagamitan… at iexpect nila na may babayaran talaga. Ang presyo ng mga
serbisyo namin ay sapat lang.” Mayroon ding foundation ang AHMC upang tulungan
ang mga kapus-palad na gustong magpagamot pero hindi sapat ang kabuhayan upang
maipagpatuloy ang na mahal gamutan.
Bagama’t may foundation ang AHMC, hindi ito sapat upang
tugunan ang lahat ng kapus-palad na may sakit na kanser. Kaya hinihikayat nila
ang mga Pilipino na mag-avail ng Philhealth, malaking tulong na rin sa mahal na
gamutan ng sakit na kanser.
Published on Inquirer Libre July 29, 2015
Published on Inquirer Libre July 29, 2015
No comments:
Post a Comment