Wednesday, November 20, 2013

Istorya sa Likod ng mga Tren

Siguro sa pagkabasa mo ng title ng blog na ito aakalain mong history, iskandalo o issue ng pagtaas ng pamasahe sa mga tren. Pero ito ay tungkol sa iba’t ibang anggulo o istorya sa pag ibig na bibigyang kulay natin sa pamamagitan ng tren.

Sa araw araw na ginawa ng diyos, karamihan sa atin ay sumsakay ng tren papasok sa ating mga paroroonan, papasok sa eskwelahan, sa trabaho o saan mang destinasyon na tayo ay paparoon. Pero bakit kaya may mga aberyang nagaganap na hindi natin inaasahan at hindi natin alam kung bakit pa ito nangyari kung kailan tayo ay nagmamadali o may hinahabol.

Sa tuwing tayo pipila para bumili ng tiket para makasakay ng tren, asar na asar tayo kung bakit ba napakahaba ng pila pero bakit pumipila parin tayo kahit naasar na tayo?  Dahil sa dulo ng pila ay isang bagay na kailangan natin, isang bagay na mahirap mawala. Parang sa panliligaw kung bakit ba sa tagal ng ating pagsuyo sa ating minamahal bakit hindi pa rin tayo sumusuko? Dahil sa dulo ng ating paghintay at pagpila nandoon ang ating tiket tungo sa matamis na oo ng ating minamahal. Ang pagmamahal na ito ang isang bagay na ating pinipilahan at hinihintay na mahirap at ayaw nating mawala.

Pero kung tatanungin ninyo bakit sa mga nanliligaw ay may sumusuko o bigla na lang nawawala? Parang sa pila ng tiket sa LRT, may mga taong umaalis sa pila dahil sa may mga nag bago ang isip na mag bubus na lang o mag jijeep na lang ako dahil mas mura at hindi masasayang ang oras nya sa pagpila lalo na kung nagmamadali ito at mainipin, at sa pagmamadali nito hindi niya namalayan na malapit na pala siya sa counter kung saan matatanggap na nila ang tiket. May mga taong bigla na lang nagbabago ang isip at biglang ititigil ang kanyang panliligaw dahil sa pagkakaalam nya, nasasayang ang kanyang oras dito at may bagay na dapat syang mas pagtuunan ng pansin, at sa pag atras nya ito indi nya namalayan na sasagutin nap ala sya nito.

Minsan kaya sila umaalis sa pila ay dahil mayroong bagong bintana na nagbukas na kung saan ay mas maikli ang pila at makukuha nya ang tiket na mas maaga, marahil kaya sila huminto sa panliligaw ay dahil sa may nakilala sila na sa tingin nila na ay dito nila makikita ang hinahanap nila ng mas maaga. O kaya’y mali ang pinilahan nila at alam nilang wala silang mapapalang tiket o ang matamis na oo dito.

Sa ating pagmamadali makarating sa ating paroroonan, hindi  maiwasan na tayo ay mapagiwanan ng tren, na minsan ay gusto nating bumaba ng riles at habulin, pahintuin at para tayo ay pasakayin nito, pero hindi. Sa buhay minsan kahit anong paggusto mo  sa isang bagay o tao at kahit anong pursige mo para makamtan siya ay bigo ka parin at nawawala pa rin ito.

Napagiwanan na tayo ng tren, tayo’y nanlumo at nalungkot dahil sa isang tren na iyon marami na ang nawala. Kung dahil sa tren na iyon ay ang tanging paraan upang ikaw ay hindi mahuli o malate sa ating klase o trabaho. Kung malate ka sa iyong klase ay maaring bumaba ang iyong marka, kung mahuli ka man sa iyong trabaho ay maaring mabawasan ang iyong sahod.


Paano kung ang tren na iyon ay ang taong iyong pinapangarap ang iyong minamahal. Ikaw ay malulungkot kung ang taong iyon ay iniwan ka at iniwang malungkot at minsan nag iisa. Pero hindi natin naiisip na may isa pang tren nadadating upang tayo ay sunduin at punan ang ating kalungkutan, hindi mo naiisip na may iba pang taong dadating para punan ang lahat ng pagkukulang na nauna sa kanya, isang taong marahil ay hindi na ka iiwanan.

Sa pagdating ng tren, minsan mabibigla na lang tayo sa dami ng tao sa loob nito, at ipagsisiksikan parin natin ang ating sarili sa tren na iyon, kahit halos ipagtulakan na tayo palabas ng tren dahil sa dami ng laman nito. Marahil ay dahil sa mayroon tayong gustong marating at makamtan kahit mahirap dahil kailangan. Parang sa isang taong hindi ka naman mahal pero pilit mo parin isiniksik ang sarili mo sa kanila, dahil parang sa tren mayroon kang gustong marating kahit ipagtulakan ka pa palabas hahanap ka pa rin ng paraan upang mapanatili natin kung anuman ang meron kayo mapapagkakaibigin man o palapit sa pagkakaibigan man yan. Kahit nasasaktan at naiipit ka na kakayanin mo kasi iniisip mo na sa bandang dulo ay makakarating ka rin at makakaginhawa ka rin.


 Sa estasyon ng tren marming bumababa at sumsakay, marami ang dumadating at umaalis, may bagong salta at mayroon din mga beterano sa balyahan sa tren. Ang siklo at proseso na ito ay patuloy lang habang nasa operasyon ang tren. Sa buhay, marming dadating sa buhay mo para paligayahin ka, paiyakin ka o baguhin ka. Pero hindi lahat ng taong dumadating na ito ay panghabang buhay na nasa iyo o nariyan para sa iyo. Aalis at aalis din ang mga taong iyan para muling paligayahin ka, paiyakin ka o baguhin ka. Sa pag alis ng mga taong ito muling may dadating sa buhay mo maaring sila’y mas mabuti o mas masama kung ikukumpara sa mga taong umalis sa buhay mo pero sa huli ito ay para sa muli ay paligayahin ka, paiyakin ka o baguhin ka. Ang siklong ito ay walang katapusan hanggang sa iyong katapusan.

No comments:

Post a Comment