Wednesday, November 20, 2013

ROTC? Mali ang hinala mo

Ang sulating ito ay bilang tugon sa isang lathala na kung saan ang Reserved Officers’ Training Corps ng Polytechnic University of the Philippines ay lantarang pinaparatangan ng mga mali at malisyosong isyu.
Ang ROTC ay hindi nagpapanggap na militar o mga militar na nagkukubli sa likod ng mga kabataang kadete, bagkus ito ay ipinapakita nila na sila ay parte ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at hindi nila ito ipinagkakaila.

 Hinding hindi magiging pasista ang ROTC o ang militar man dahil tayo ay nasa demokratikong bansa, ibang iba ang idealismo ng pasismo sa demokratiko kung saan ang ating bansa ay naayon. Lahat ng kinikilos ng militar ay naayon sa batas, walang supresyon ang naganap mula sa militar o batas militar na ipinatutupad upang ayusin ang gusot sa bansa.

Walang pilitan ang nagaganap upang ienrol ng isang estudyante ang  ROTC bilang National Sevice Training Program (NSTP) subject nya. Sinasabi nila na iba sa interviewer ay awtomatikong ginagawang ROTC ang kanilang NSTP, kung ginagawa nga ito ng mga interviewer mas marami parin ang awtomatikong nilalagay ang CWTS bilang NSTP dahil marami pa rin sa mga estudyante ang pinipili ang CWTS dahil sa gaan ng responsibilidad na ibinibigay rito.

Kung ginawagwa man ng ibang interviewer ito, naiisip rin siguro nila na dapat dagdagan ang mga laang kawal ng Pilipinas upang mas maraming magtatanggol sa Pilipinas sa oras ng kagipitan.

Ang mga sexy na model na nababanggit nya ay ang tinatawag na “Corps of Sponsors”. Totoo sila ay mga sexy at magaganda pero hindi lang iyon natatapos doon, dahil sa maganda rin sila sa panloob at may laman din ang utak. Masusi silang pinili upang magsilbing tulay ng mga kadete sa kanilang mga opisyal kung nahihiya man sila na lumapit ng personal sa mga opisyal at sila rin ang nagsisilbing tulay sa mga militar at sibilyan.

“Muka ba kaming nahihirapan?”  oo hinde pero sa muli wag na wag kayong manghuhusga sa unang tingin. Tulad ng mga kadete sumasabak din sila sa putikan at nabibilad rin sa araw. Ito ay upang maipakita na rin na isa sila sa mga kadete at pantay pantay din sila.

Totoo na ibibilad kayo sa araw dahil parte iyon ng training bilang isang kadete, pero hindi binibilad ang mga kadete ng matagal na kung saan ay makakasama na ito sa kalusugan ng mga kadete, makikita natin na ang ilan sa mga opisyales ay nasa lilim bagkus sa lugar nila mas makikita ang kalagayan ng mga kadete sa pangkalahatan at dinanas narin nila ang mabilad sa araw dahil bilang isang sundalo naging kadete na rin sila at mas matindi pa dahil iba na ang kurikulum ng ROTC ngayon kumpara noon.

Tinuturuan ang mga kadete ng tamang disiplina, disiplinang militar na magagamit din sa pang araw araw na buhay, ang  buhay sibilyan. Dito rin naghuhulma ng mga makabagong lider na gagabay sa bagong henerasyon ng lipunan, hindi mawawala dito ang paghanda sa mga kadete para sa mga hinaharap na sakuna o gyera dahil sa pagtatapos ang mga kadeteng ito sila ay magiging parte ng Laang Kawal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Habang walang gyera o sakunang nagaganap ang mga Laang Kawal na ito ay tumutulong sa mga Medical Missions, Outreach Programs o mga Aktibidad na makakatulong sa komunidad, kaya mali ang paratang na puro pagtuligsa sa mga aktibista at komunista ang itinuturo sa mga kadete.



Kaya kung sinsabi ng mga aktibista na “Serve the People” ito ang paraan ng ROTC ng pagsilbi sa bayan. 

No comments:

Post a Comment