Ang PAGASA o ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang ating literal na pag asa ng mga Pilipino pag dating sa Weather Forecasting, kundi dahil sa kanilang weather forecasts walang pagbabatayan ng paghahanda ang gobyerno ng Pilipinas para sa kapanan ng mga Pilipino (kahit mayroong forecast hindi pa rin naman nakakapaghanda ang gobyerno ng husto XD).
Pero bakit sa tingin nyo nahihirapan pa rin ang PAGASA na makapagbigay ng mas accurate na balita o weather forecasts?
Maraming dahilan, una kulang sa kagamitan, pangalawa wala o kulang ang budyet para sa benepisyo ng mga empleyado at dahil sa kawalan ng budyet para sa benepisyo ng empleyado ng PAGASA ang mga weather forecasters natin ay isa isa nang umaaalis tungo sa ibang bansa upang magturo o maging weather forecaster din dahil doon ay may mas malaking sa sahod at benepisyo.
Kakayanin naman ng Pilipinas kahit papaano ang kakulangan sa kagamitan pero, ang kakulangan sa tao ang mahirap. Sino ang magpapagana ng mga kagamitan? at sino ang mag iintindi at magsasabi sa mga tao kung walang nakakaalam ng mga ito.
Si Mang Tani o si Nathaniel Cruz, ang opisyal na weather forecaster ng GMA Network, ay isang dating weather forecaster at Direktor ng PAGASA na nangibang bansa upang magturo ng Metreology sa Australia at magcontribute sa Bureau of Metreology ng Australia.
Sa isang panayam ni Mike Enriquez kung bakit siya nangibang bansa ito ang kanyang sagot "Mike nabigyan tayo ng pagkakataon na makapagtrabaho sa Bureau of Meteorology, kaya yung ating kaalaman na natutunan dito sa Pilipinas ay mas nadagdagan dahil dun sa natutunan natin dun sa bansang Australia."
Dahil sa kakulangan ng benepisyo sa mga weather forecasters natin napipilitan silang lisanin ang Pilipinas para sa mas malaking benepisyo at experience. Sino ba ang tatanggi sa mas malaking sahod na inaalok ng ibang bansa?
Kaya nagkakaroon tayo ng tinatawag na brain drain. Ang ating mga propesyonal kasama na dito ang ating mga weather forecasters ay lumilisan para sa mas malaki na sahod at experience.
Sabi ni Mang Tani noon sa isang panayam, sa Australia ay halos hindi lalagpas sa lima ang dami ng bagyo roon kumpara sa mahigit 20 na bagyo na bumubwisita sa ating bansa, sa paglisan ng ating mga weather forecasters, inimumungkahi ko na imungkahi ng ating gobyerno sa mga karatig bansa na hindi nakakaranas ng ganoong karaming bagyo gaya ng sa Australia na lahat ng mga estudyanteng nagaaral ng Metreology ay mag OJT - On the job training sa Pilipinas, lalo na sa panahon ng tag ulan mga anim na buwan na ay sasapat na. Sa dami ng bagyo na dumadating sa Pilipinas ay siguradong makakakuha sila ng maraming experience sa weather forecasting at matututo sila na gumalaw kahit kakaunti ang kagamitan, gaya ng mga estudyante ng PUP na kung saan natututo sila kahit salat sa yaman at kagamitan. Sa pagpunta ng mga foreign OJT sa Pilipinas, gobyerno ang sasagot sa allowance at board and lodging nila dito sa pinas mas maliit di hamak sa pagpapasahod at pangbenepisyo sa mga empleyado.
Ang mungkahing ito ay hindi pangmatagalang solusyon sa brain drain na nagaganap sa PAGASA bagkus ay isang band aid solusyon habang hindi pa maayos ng gobyerno ang usaping pinansyal ng PAGASA. Hindi naman maari na puro banyaga ang magkaroon ng trabaho lalo na sa gobyerno.
No comments:
Post a Comment