Monday, August 31, 2015

Occupy EDSA: The INC Cry for Religious Freedom

August 30, 2015, The last day of the protest of one of the biggest religious group in the country, the Iglesia Ni Cristo. The protest rooted from the "interference" of the Department of Justice, in the case (abduction and illegal detention) filed by one of their members against their high officials in their church. The "interference" outraged the members of the said church, and took a standoff in the intersection of EDSA and Shaw Boulevard. Below are some of the photos after a long night of protest.











Wednesday, August 19, 2015

New car promises to bring back ‘joy in driving’

MAZDA Philippines launched the all new Mazda MX-5, the two-seater, open top sports car, to the media, 25 years after the first generation of the roadster was introduced to the global market.

This fifth generation Mazda embodies the striking “Kodo: Soul of Motion,” a design philosophy that believes that a car is not just a piece of metal but also a living creature that creates an emotional bond with the driver, just like a relationship between a horse and rider. The fifth generation also has the latest Skyactiv Technology.



MAZDA MX-5

 “The all-new MX-5 is the epitome of Mazda’s core ethos of providing pure driving pleasure on the road,” said Mazda Philippines President and CEO Steven Tan. Mazda Philippines is confident that the latest MX-5 will not only provide a unique driving experience, but also set a new benchmark in providing more satisfaction not only to its owners but to everyone who sees the car as well.

“The amount of design and engineering effort that was put in by Mazda engineers into this latest generation MX-5 is intended to bring back the first MX-5’s calling to deliver joy in driving,” Tan added.

Local models will come with either the quick-reacting Skyactiv six-speed automatic transmission or the snappy six-speed manual gearbox. The Philippine- bound MX-5 units will sport a tuned 2.0-liter Skyactiv
gasoline direct injection engine designed to deliver heightened performance while satisfying environmental friendliness.

“This top-of-the-line 2.0-liter Skyactiv engine is specifically tuned for the MX-5 and is designed to deliver more torque and faster response,” Tan told members of the local media.

The all-new MX-5 is also equipped with MZD Connect, Mazda’s in-car connectivity system first found in the current Mazda 3. Also included is the Mazda Active Display which projects relevant information on  heads-up panel and the highly effective i-Stop stop-start fuelsaving function.

Tan added: “Combined with a Skyactiv chassis that is 100- kilograms less than the outgoing model, our market has a very potent and exciting MX-5 package that is sure to liven up the senses of its owners.”

With the specs of the new Mazda MX-5, drivers can drive with satisfaction and drive with pleasure like a chariot in the sky.

Published on Inquirer Libre August 19, 2015

Monday, August 17, 2015

Tumulong sa pagbuo ng awitin para sa OFW


SELFIE PA MORE  Nag selfie ang mga mangaawit mula sa Sponge Cola, Itchyworms, Kjwan at si Ebe Dancel ng dating Sugarfree, kasama ang mga kawani ng Google Philippines at Blas Ople Policy Center and Training Institute, para sa paglunsad “Balikbayan” Campaign, isang proyektong pagtutulungan ng mga mang await at ng mga oridnaryong Pilipino na bumuo ng kanta na alay sa mga OFWs.

DIEGO MARIANO/ INQUIRER

INAANYAYAHAN ng Google Philippines ang mga Pilipino na mag-ambag ng lyrics kasama ang ilang kilalang mang-aawit ng Pilipinas sa binubuong kanta para sa overseas Filipino workers (OFW).

Si Ebe Dancel, ang mga bandang SpongeCola, Itchyworms, at Kjwan, maging ang YouTube star na si Mikey Bustos, ang maglalapat ng tunog at magrerecord ng kantang mabubuo mula sa mga lirikong pinadala ng mga ordinaryong Pilipino.

Ang bubuuing kanta sa ilalim ng kampanyang “Balikbayan” ay para sa 12 milyong OFW na nasa iba’t ibang panig ng mundo, upang magbigay-pugay sa mga OFW at muli silang ilapit sa isa’t isa at sa kanilang mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas.

Layon ng kampanyang “Balikbayan” na paglapitin ang bawat pamilyang Pilipino na may mga mahal sa buhay sa ibayong-dagat at panatilihin ang mabuting samahan at relasyon ng mga pamilya sa kabila ng pagkakalayo. “This is why we thought of creating this song to deliver the fond memories of our overseas Filipinos across the miles through music and technology,” ani Ryan Morales, country marketing manager ng Google Philippines.

“Wherever we go, we see how the Filipino spirit comes to life whenever there’s music. The song and lyrics will hopefully touch their hearts and remind them that whenever they are, we remember them,” ani Dancel, dating frontman ng bandang Sugarfree. Ang mabubuong kanta ay nakatuon sa damdamin ng mga OFW at ng mga pamilya nilang naiwan dito sa Pilipinas, kung ano ang namimiss ng mga OFW sa Pilipinas at kung ano naman ang namimiss ng mga naiwang kamaganak sa kanilang mahal sa buhay na nasa ibayong-dagat.

“In our effort to make the lives of the Filipinos easier, we strive to provide Filipino families ways to stay connected whenever in the world they may be,” ani Morales. Nais tumulong ng Google Philippines sa pag-uugnay ng mga pamilyang Pilipino sa kanilang mga mahal sa buhay sa ibang bansa kahit gaano kalayo pa nila sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang kanta at ng teknolohiya.

"We are inviting every Filipino to join in the fun by contributing lyrics to the song,” sinabi ni Morales. Bukod sa kanta at pagbibigay-pugay sa mga OFW, magbibigay ang Google Philippines ng piso sa kada kontribusyong ilalaan sa awitin. Mapupunta ito sa Blas Ople Policy Center and Training Institute sa ngalan ng mga nag-contribute. Ilalaan ang kontribusyon sa pagpapagawa ng mga bahay ng mga biktima ng human trafficking.


Upang mag-submit ng lyrics, puntahan lamang ang http://goo.gl/vRkjUK o magpost sa social media sites gamit ang hashtag na #GoogleMissKoNa


Published on Inquirer Libre August 17, 2015

Wednesday, August 12, 2015

71,850 Pilipino namamatay taun-taon dahil sa paninigarilyo

IPINAPAKITA ni Emerito Rojas, founder ng New Vois Association of the Philippines, kasama ang mascot ng DOH na si Yosi Kadiri, ang ilulunsad na bagong pakete ng mga sigarilyo na may larawan ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo.

DIEGO MARIANO/ INQUIRER


INILUNSAD ng Department of Health (DOH) ang kampanyang “Cigarettes are eating you alive” dahil sa nakababahalang bilang ng mga naitatalang namamatay dahil sa direktang paninigarilyo at dahil din sa second-hand smoke (SHS) o ang hindi direktang paggamit ng sigarilyo.

Sa pagtutulungan ng DOH, New Vois of the Philippines, at ng World Lung Foundation, ilulunsad simula Agosto 15 sa mga pambansang himpilang pantelebisyon. Ginawa ito upang hikayatin ang mga naninigarilyo na itigil na ang bisyo at suportahan ang mga batas laban sa paninigarilyo. Kasabay nito ang paglunsad ng bagong pakete na may larawan ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo. May dalawang anunsyong panserbisyong publiko ang kampanya, una ay ang nabanggit na kampanya at ang pangalawa ay ang “Cigarettes are eating your baby alive.”

Dahil sa SHS, 3,000 Pilipinong hindi naninigarilyo ang namamatay dahil sa lung cancer taun-taon.
Ayon kay Health Secretary Janette P. Loreto-Garin, kailangang maging mulat ang mga Pilipino ang masamang epekto na sanhi ng SHS, maging ang maraming respiratory diseases na sanhi ng paninigarilyo. Dahil din sa paninigarilyo, halos P188 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng bansa. Dahil dito, kailangan ng malawakang pagpapatupad at suporta sa mga patakarang kumokontrol sa mga tabako.

Kung sakaling maging matagumpay ang nasabing kampanya, hindi dapat magalala ang mga nagtratrabaho sa industriya ng tabako. May matatanggap ang industry players tulad ng mga magsasaka ng tabako at ang mga empleyado ng mga kumpanya ng tabako. Ayon kay Dra. Paulyn Jean B. Rosell-Ubial, Assistant Secretary of Health, “proceeds of the sin tax is actually allocated for alternative livelihood for the tobacco industry players as well as the farmers so 85 percent of the sin tax goes to the DOH, and 15 percent goes to the industry players particularly the Department of Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority and Department of Labor and Employment.”

Kada oras, 10 Pilipino ang namamatay dahil sa mga karamdamang kaugnay ng paninigarilyo. Wastong pamamahagi lang ng impormasyon ang makakapagpigil o makapagpapabawas sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ang mga namamatay dahil sa paninigarilyo. Ayon sa NVAP Founder at President na si Engr. Emer Rojas, “Mass Media campaign can help to raise awareness of the harms of tobacco and effect behavior change at population level.”


Noong 2010, 600,000 ang namatay na non-smoker sa buong mundo. Sa huli, ang sabi ni Health Secretary Garin, “With these facts, Students should know the harmful effects of smoking and there are no benefits in starting the habit. They should be smart and never start smoking.”


Published on Inquirer Libre August 12, 2015

Thursday, August 6, 2015

Malaki ang matitipid kung mahusay ang gamit


 
Daikiri Mihara, Presidente ng Honda Philippines habang sakay ang bagong Honda TMX Supremo

DIEGO MARIANO, INQUIRER
MAY MAGANDANG balita si Elie Salamangkit, product planning and development manager ng Honda Philippines sa mga nagmamaneho ng tricycle sa Novaliches.

“P10,000 halaga ng gasolina ang matitipid sa isang taon,” aniya sa paglunsad ng 2nd Generation TMX Supremo ng Honda Philippines.

Maaring mapagastos sa unang pagbili ng bagong kagamitan, pero kung ang mas mahusay ang bagong kagamitan na ito kung ihahambing sa kasalukuyang lumang kagamitan, maituturing itong “sulit.” Tinatawag itong “long-term investment,” mapapagastos sa una pero sa pagtagal mas mararamdaman ang katipirang dulot ng mas mabisang kagamitan.

“Marami ka nang mabibili sa halagang P10,000,” sinabi ni Salamangkit. Kung ihahambing sa ibang tatak ng motor na pampasada, mas matipid sa gasolina ang bagong TMX Supremo ng Honda dahil mas angkop ang 5 Speed-150cc makina ng Supremo sa mabigatang trabaho, “work horse” kumbaga.

Ngunit kahit ginawang pampasada ang motor na ito, hindi pa rin mawawala ang pagiging komportable at elegante nito. Sa bagong TMX, mas pinaganda ng Honda ang tangke nito na may eleganteng sticker at ginawang flat ang upuan sa likod upang maging mas angkop sa upong pang “backride.”

“Lulutong at hihina ang bakal kapag mali ang timpla ng bakal sa tuwing ito ay winewelding,” pinaliwanag ni Salamangkit makaraang ipakita sa mga tsuper ang madaling pagkabit ng sidecar sa motor nang wala pang tatlong minuto, dahil sa nakaabang na kabitan na nasa motor na mismo.

Hindi lang makatitipid sa gasolina ang pamumuhunan sa isang bagay na episyente tulad ng Supremo, makatitiyak din ito sa seguridad ng mga ari-arian at sa kaligtasan ng mga mayari. May mga katangiang pangseguridad at pangkaligtasan ang bagong Supremo.

“Mahihirapan ang mga magnanakaw dito,” patawang sinabi ni Salamangkit. Taglay ng bagong Supremo ang “Secured Key Shutter” kung saan walang sinuman ang makakapagpasok ng kahit anong susi sa susian sa tuwing iiwanan ng tsuper ang tricycle niya sapagkat mayroon itong takip nasasara sa tuwing aalisin ang susi. “Kahit ang kapitbahay mong may Supremo hindi rin ito mbubuksan,” aniya.

Mayroon din itong “Integrated Handle Bar Lock” kung saan sa oras na i-lock ng tsuper ang manibela sa anumang ayos ay mananatili ito hanggang sa balikan ito ng tsuper. At ang “Passing Light” kung saan may kakayahan ang motor na i-todo ang ilaw o headlight nito upang mapansin ng tsuper na nasa unahan na may mag-o-overtake sa kaniya, upang maging ligtas ang biyahe at ang pasahero nito.

Sa pamumuhunan sa mga mahusay na kagamitan, tulad ng motor na may mga ganitong katangian, maiiwasan ang mga aberya at sakuna. Malaki ang matitipid ng isang tsuper sa pera at sa oras, at maraming buhay ang maliligtas.


Published on Inquirer Libre August 6, 2015