Wednesday, August 12, 2015

71,850 Pilipino namamatay taun-taon dahil sa paninigarilyo

IPINAPAKITA ni Emerito Rojas, founder ng New Vois Association of the Philippines, kasama ang mascot ng DOH na si Yosi Kadiri, ang ilulunsad na bagong pakete ng mga sigarilyo na may larawan ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo.

DIEGO MARIANO/ INQUIRER


INILUNSAD ng Department of Health (DOH) ang kampanyang “Cigarettes are eating you alive” dahil sa nakababahalang bilang ng mga naitatalang namamatay dahil sa direktang paninigarilyo at dahil din sa second-hand smoke (SHS) o ang hindi direktang paggamit ng sigarilyo.

Sa pagtutulungan ng DOH, New Vois of the Philippines, at ng World Lung Foundation, ilulunsad simula Agosto 15 sa mga pambansang himpilang pantelebisyon. Ginawa ito upang hikayatin ang mga naninigarilyo na itigil na ang bisyo at suportahan ang mga batas laban sa paninigarilyo. Kasabay nito ang paglunsad ng bagong pakete na may larawan ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo. May dalawang anunsyong panserbisyong publiko ang kampanya, una ay ang nabanggit na kampanya at ang pangalawa ay ang “Cigarettes are eating your baby alive.”

Dahil sa SHS, 3,000 Pilipinong hindi naninigarilyo ang namamatay dahil sa lung cancer taun-taon.
Ayon kay Health Secretary Janette P. Loreto-Garin, kailangang maging mulat ang mga Pilipino ang masamang epekto na sanhi ng SHS, maging ang maraming respiratory diseases na sanhi ng paninigarilyo. Dahil din sa paninigarilyo, halos P188 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng bansa. Dahil dito, kailangan ng malawakang pagpapatupad at suporta sa mga patakarang kumokontrol sa mga tabako.

Kung sakaling maging matagumpay ang nasabing kampanya, hindi dapat magalala ang mga nagtratrabaho sa industriya ng tabako. May matatanggap ang industry players tulad ng mga magsasaka ng tabako at ang mga empleyado ng mga kumpanya ng tabako. Ayon kay Dra. Paulyn Jean B. Rosell-Ubial, Assistant Secretary of Health, “proceeds of the sin tax is actually allocated for alternative livelihood for the tobacco industry players as well as the farmers so 85 percent of the sin tax goes to the DOH, and 15 percent goes to the industry players particularly the Department of Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority and Department of Labor and Employment.”

Kada oras, 10 Pilipino ang namamatay dahil sa mga karamdamang kaugnay ng paninigarilyo. Wastong pamamahagi lang ng impormasyon ang makakapagpigil o makapagpapabawas sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ang mga namamatay dahil sa paninigarilyo. Ayon sa NVAP Founder at President na si Engr. Emer Rojas, “Mass Media campaign can help to raise awareness of the harms of tobacco and effect behavior change at population level.”


Noong 2010, 600,000 ang namatay na non-smoker sa buong mundo. Sa huli, ang sabi ni Health Secretary Garin, “With these facts, Students should know the harmful effects of smoking and there are no benefits in starting the habit. They should be smart and never start smoking.”


Published on Inquirer Libre August 12, 2015

No comments:

Post a Comment