Daikiri Mihara, Presidente ng Honda Philippines habang sakay ang bagong Honda TMX Supremo
DIEGO MARIANO, INQUIRER
|
“P10,000 halaga ng gasolina ang matitipid sa isang taon,”
aniya sa paglunsad ng 2nd Generation TMX Supremo ng Honda Philippines.
Maaring mapagastos sa unang pagbili ng bagong kagamitan,
pero kung ang mas mahusay ang bagong kagamitan na ito kung ihahambing sa
kasalukuyang lumang kagamitan, maituturing itong “sulit.” Tinatawag itong
“long-term investment,” mapapagastos sa una pero sa pagtagal mas mararamdaman
ang katipirang dulot ng mas mabisang kagamitan.
“Marami ka nang mabibili sa halagang P10,000,” sinabi ni
Salamangkit. Kung ihahambing sa ibang tatak ng motor na pampasada, mas matipid
sa gasolina ang bagong TMX Supremo ng Honda dahil mas angkop ang 5 Speed-150cc
makina ng Supremo sa mabigatang trabaho, “work horse” kumbaga.
Ngunit kahit ginawang pampasada ang motor na ito, hindi pa
rin mawawala ang pagiging komportable at elegante nito. Sa bagong TMX, mas
pinaganda ng Honda ang tangke nito na may eleganteng sticker at ginawang flat
ang upuan sa likod upang maging mas angkop sa upong pang “backride.”
“Lulutong at hihina ang bakal kapag mali ang timpla ng bakal
sa tuwing ito ay winewelding,” pinaliwanag ni Salamangkit makaraang ipakita sa
mga tsuper ang madaling pagkabit ng sidecar sa motor nang wala pang tatlong
minuto, dahil sa nakaabang na kabitan na nasa motor na mismo.
Hindi lang makatitipid sa gasolina ang pamumuhunan sa isang
bagay na episyente tulad ng Supremo, makatitiyak din ito sa seguridad ng mga
ari-arian at sa kaligtasan ng mga mayari. May mga katangiang pangseguridad at
pangkaligtasan ang bagong Supremo.
“Mahihirapan ang mga magnanakaw dito,” patawang sinabi ni
Salamangkit. Taglay ng bagong Supremo ang “Secured Key Shutter” kung saan
walang sinuman ang makakapagpasok ng kahit anong susi sa susian sa tuwing
iiwanan ng tsuper ang tricycle niya sapagkat mayroon itong takip nasasara sa
tuwing aalisin ang susi. “Kahit ang kapitbahay mong may Supremo hindi rin ito
mbubuksan,” aniya.
Mayroon din itong “Integrated Handle Bar Lock” kung saan sa
oras na i-lock ng tsuper ang manibela sa anumang ayos ay mananatili ito
hanggang sa balikan ito ng tsuper. At ang “Passing Light” kung saan may
kakayahan ang motor na i-todo ang ilaw o headlight nito upang mapansin ng
tsuper na nasa unahan na may mag-o-overtake sa kaniya, upang maging ligtas ang
biyahe at ang pasahero nito.
Sa pamumuhunan sa mga mahusay na kagamitan, tulad ng motor
na may mga ganitong katangian, maiiwasan ang mga aberya at sakuna. Malaki ang
matitipid ng isang tsuper sa pera at sa oras, at maraming buhay ang maliligtas.
Published on Inquirer Libre August 6, 2015
No comments:
Post a Comment