Monday, August 17, 2015

Tumulong sa pagbuo ng awitin para sa OFW


SELFIE PA MORE  Nag selfie ang mga mangaawit mula sa Sponge Cola, Itchyworms, Kjwan at si Ebe Dancel ng dating Sugarfree, kasama ang mga kawani ng Google Philippines at Blas Ople Policy Center and Training Institute, para sa paglunsad “Balikbayan” Campaign, isang proyektong pagtutulungan ng mga mang await at ng mga oridnaryong Pilipino na bumuo ng kanta na alay sa mga OFWs.

DIEGO MARIANO/ INQUIRER

INAANYAYAHAN ng Google Philippines ang mga Pilipino na mag-ambag ng lyrics kasama ang ilang kilalang mang-aawit ng Pilipinas sa binubuong kanta para sa overseas Filipino workers (OFW).

Si Ebe Dancel, ang mga bandang SpongeCola, Itchyworms, at Kjwan, maging ang YouTube star na si Mikey Bustos, ang maglalapat ng tunog at magrerecord ng kantang mabubuo mula sa mga lirikong pinadala ng mga ordinaryong Pilipino.

Ang bubuuing kanta sa ilalim ng kampanyang “Balikbayan” ay para sa 12 milyong OFW na nasa iba’t ibang panig ng mundo, upang magbigay-pugay sa mga OFW at muli silang ilapit sa isa’t isa at sa kanilang mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas.

Layon ng kampanyang “Balikbayan” na paglapitin ang bawat pamilyang Pilipino na may mga mahal sa buhay sa ibayong-dagat at panatilihin ang mabuting samahan at relasyon ng mga pamilya sa kabila ng pagkakalayo. “This is why we thought of creating this song to deliver the fond memories of our overseas Filipinos across the miles through music and technology,” ani Ryan Morales, country marketing manager ng Google Philippines.

“Wherever we go, we see how the Filipino spirit comes to life whenever there’s music. The song and lyrics will hopefully touch their hearts and remind them that whenever they are, we remember them,” ani Dancel, dating frontman ng bandang Sugarfree. Ang mabubuong kanta ay nakatuon sa damdamin ng mga OFW at ng mga pamilya nilang naiwan dito sa Pilipinas, kung ano ang namimiss ng mga OFW sa Pilipinas at kung ano naman ang namimiss ng mga naiwang kamaganak sa kanilang mahal sa buhay na nasa ibayong-dagat.

“In our effort to make the lives of the Filipinos easier, we strive to provide Filipino families ways to stay connected whenever in the world they may be,” ani Morales. Nais tumulong ng Google Philippines sa pag-uugnay ng mga pamilyang Pilipino sa kanilang mga mahal sa buhay sa ibang bansa kahit gaano kalayo pa nila sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang kanta at ng teknolohiya.

"We are inviting every Filipino to join in the fun by contributing lyrics to the song,” sinabi ni Morales. Bukod sa kanta at pagbibigay-pugay sa mga OFW, magbibigay ang Google Philippines ng piso sa kada kontribusyong ilalaan sa awitin. Mapupunta ito sa Blas Ople Policy Center and Training Institute sa ngalan ng mga nag-contribute. Ilalaan ang kontribusyon sa pagpapagawa ng mga bahay ng mga biktima ng human trafficking.


Upang mag-submit ng lyrics, puntahan lamang ang http://goo.gl/vRkjUK o magpost sa social media sites gamit ang hashtag na #GoogleMissKoNa


Published on Inquirer Libre August 17, 2015

No comments:

Post a Comment