Wednesday, September 30, 2015

Arci Munoz: Ginebra's Calendar Girl and Muse

IPINAKILALA na sa mga taga-midya ang bagong calendar girl ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI) para sa taong 2016—ang aktres, modelo at mangaawit na si Arci Muñoz.



Kahanay na ngayon ni Arci ang mga sikat na beauty queen, modelo at aktres na naging Ginebra San Miguel Calendar Girl tulad ng two-time calendar girl na si Marian Rivera (2009 at 2014), Anne Curtis (2011), Solenn Heussaff (2012), Georgina Wilson (2013), Angelica Panganiban (2007), at ang kasamahan ni Arci sa Pasion de Amor na si Ellen Adarna na naging calendar girl nitong taon lamang.

Naglalabas na ang Ginebra San Miguel ng kalendaryo mula pa noong 1988. Ngayong taon, “A day in the life” ang tema.



  “Napili namin si Arci dahil tugma ang kanyang personalidad sa Ginebra San Miguel. Tulad ng Ginebra San Miguel, si Arci ay maabilidad, maganda, matalino, hindi umuurong sa mga pagsubok at talaga namang ‘ganado sa buhay’,” ani GSMI Vice President at Marketing Manager Nelson Elises.



Nagtapos ng kursong Theater Arts sa Unibersidad ng Pilipinas, pumasok si Arci sa show biz noong 2005 bilang kalahok sa isang talent reality search na Starstruck ng GMA. Bukod sa pag-arte sa telebisyon, lead vocalist din si Arci ng rock band na Philia. Naging pambato rin siya ng Pilipinas sa Asia Supermodel Competition noong 2008. Ngayon, isa si Arci sa mga bida sa Pasion de Amor ng ABS-CBN. Kasama rin siya sa pelikulang Etiquette for Mistresses.


“Isang napakalaking karangalan ang mapabilang sa pamilya ng Ginebra San Miguel. Sobra akong nag-enjoy sa paggawa ng Ginebra San Miguel calendar. Masaya ako sa kinalabasan nito na ipinapakita kung sino si Arci Muñoz sa likod ng kamera. Kumbaga, ang mga Ginebra San Miguel calendars ko ay pasilip sa aking buhay. Marami ang hindi nakakaalam na athletic ako, nagwo-work out at naglalaro ng basketball. Rocker ako pero mahilig din sa mga girly things tulad ng fashion,” ani Arci.


Dinagdag pa niya: “This is my first endorsement after I joined Starstruck. At sobrang thankful ko sa Ginebra, at sobrang bait nila, na-meet ko na sila noon pero bata pa ko noon haha… nataon pa ito kasabay ng Pasion de Amor napro-promote na rin kasabay nito.”

Magiging bukas at handa na rin si Arci sa mga proyektong may daring na roles matapos ang seksing endorsement nito sa Ginebra at sa kasalukuyan nitong palabas sa ABS CBN.

Si Arci Munoz din ang Muse ng Ginebra sa opening ng PBA sa Oktubre 21, 2015.


May bagong gimik ang Ginebra San Miguel para sa nais makakuha ng 2016 calendar. Sa kada dalawang bote ng Ginebra San Miguel Bilog, Angelito, Frasquito o isang bote ng Kwatro Kantos na mabibili sa 7Eleven, MiniStop, at iba pang participating outlets, makakakuha ang mga mamimili ng limited edition magazine calendar na may kasamang mga “Ganado coupons” na maaring ipagpalit ng diskwento o premium merchandise items.

Published on Inquirer Libre September 30, 2015

Monday, August 31, 2015

Occupy EDSA: The INC Cry for Religious Freedom

August 30, 2015, The last day of the protest of one of the biggest religious group in the country, the Iglesia Ni Cristo. The protest rooted from the "interference" of the Department of Justice, in the case (abduction and illegal detention) filed by one of their members against their high officials in their church. The "interference" outraged the members of the said church, and took a standoff in the intersection of EDSA and Shaw Boulevard. Below are some of the photos after a long night of protest.











Wednesday, August 19, 2015

New car promises to bring back ‘joy in driving’

MAZDA Philippines launched the all new Mazda MX-5, the two-seater, open top sports car, to the media, 25 years after the first generation of the roadster was introduced to the global market.

This fifth generation Mazda embodies the striking “Kodo: Soul of Motion,” a design philosophy that believes that a car is not just a piece of metal but also a living creature that creates an emotional bond with the driver, just like a relationship between a horse and rider. The fifth generation also has the latest Skyactiv Technology.



MAZDA MX-5

 “The all-new MX-5 is the epitome of Mazda’s core ethos of providing pure driving pleasure on the road,” said Mazda Philippines President and CEO Steven Tan. Mazda Philippines is confident that the latest MX-5 will not only provide a unique driving experience, but also set a new benchmark in providing more satisfaction not only to its owners but to everyone who sees the car as well.

“The amount of design and engineering effort that was put in by Mazda engineers into this latest generation MX-5 is intended to bring back the first MX-5’s calling to deliver joy in driving,” Tan added.

Local models will come with either the quick-reacting Skyactiv six-speed automatic transmission or the snappy six-speed manual gearbox. The Philippine- bound MX-5 units will sport a tuned 2.0-liter Skyactiv
gasoline direct injection engine designed to deliver heightened performance while satisfying environmental friendliness.

“This top-of-the-line 2.0-liter Skyactiv engine is specifically tuned for the MX-5 and is designed to deliver more torque and faster response,” Tan told members of the local media.

The all-new MX-5 is also equipped with MZD Connect, Mazda’s in-car connectivity system first found in the current Mazda 3. Also included is the Mazda Active Display which projects relevant information on  heads-up panel and the highly effective i-Stop stop-start fuelsaving function.

Tan added: “Combined with a Skyactiv chassis that is 100- kilograms less than the outgoing model, our market has a very potent and exciting MX-5 package that is sure to liven up the senses of its owners.”

With the specs of the new Mazda MX-5, drivers can drive with satisfaction and drive with pleasure like a chariot in the sky.

Published on Inquirer Libre August 19, 2015

Monday, August 17, 2015

Tumulong sa pagbuo ng awitin para sa OFW


SELFIE PA MORE  Nag selfie ang mga mangaawit mula sa Sponge Cola, Itchyworms, Kjwan at si Ebe Dancel ng dating Sugarfree, kasama ang mga kawani ng Google Philippines at Blas Ople Policy Center and Training Institute, para sa paglunsad “Balikbayan” Campaign, isang proyektong pagtutulungan ng mga mang await at ng mga oridnaryong Pilipino na bumuo ng kanta na alay sa mga OFWs.

DIEGO MARIANO/ INQUIRER

INAANYAYAHAN ng Google Philippines ang mga Pilipino na mag-ambag ng lyrics kasama ang ilang kilalang mang-aawit ng Pilipinas sa binubuong kanta para sa overseas Filipino workers (OFW).

Si Ebe Dancel, ang mga bandang SpongeCola, Itchyworms, at Kjwan, maging ang YouTube star na si Mikey Bustos, ang maglalapat ng tunog at magrerecord ng kantang mabubuo mula sa mga lirikong pinadala ng mga ordinaryong Pilipino.

Ang bubuuing kanta sa ilalim ng kampanyang “Balikbayan” ay para sa 12 milyong OFW na nasa iba’t ibang panig ng mundo, upang magbigay-pugay sa mga OFW at muli silang ilapit sa isa’t isa at sa kanilang mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas.

Layon ng kampanyang “Balikbayan” na paglapitin ang bawat pamilyang Pilipino na may mga mahal sa buhay sa ibayong-dagat at panatilihin ang mabuting samahan at relasyon ng mga pamilya sa kabila ng pagkakalayo. “This is why we thought of creating this song to deliver the fond memories of our overseas Filipinos across the miles through music and technology,” ani Ryan Morales, country marketing manager ng Google Philippines.

“Wherever we go, we see how the Filipino spirit comes to life whenever there’s music. The song and lyrics will hopefully touch their hearts and remind them that whenever they are, we remember them,” ani Dancel, dating frontman ng bandang Sugarfree. Ang mabubuong kanta ay nakatuon sa damdamin ng mga OFW at ng mga pamilya nilang naiwan dito sa Pilipinas, kung ano ang namimiss ng mga OFW sa Pilipinas at kung ano naman ang namimiss ng mga naiwang kamaganak sa kanilang mahal sa buhay na nasa ibayong-dagat.

“In our effort to make the lives of the Filipinos easier, we strive to provide Filipino families ways to stay connected whenever in the world they may be,” ani Morales. Nais tumulong ng Google Philippines sa pag-uugnay ng mga pamilyang Pilipino sa kanilang mga mahal sa buhay sa ibang bansa kahit gaano kalayo pa nila sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang kanta at ng teknolohiya.

"We are inviting every Filipino to join in the fun by contributing lyrics to the song,” sinabi ni Morales. Bukod sa kanta at pagbibigay-pugay sa mga OFW, magbibigay ang Google Philippines ng piso sa kada kontribusyong ilalaan sa awitin. Mapupunta ito sa Blas Ople Policy Center and Training Institute sa ngalan ng mga nag-contribute. Ilalaan ang kontribusyon sa pagpapagawa ng mga bahay ng mga biktima ng human trafficking.


Upang mag-submit ng lyrics, puntahan lamang ang http://goo.gl/vRkjUK o magpost sa social media sites gamit ang hashtag na #GoogleMissKoNa


Published on Inquirer Libre August 17, 2015

Wednesday, August 12, 2015

71,850 Pilipino namamatay taun-taon dahil sa paninigarilyo

IPINAPAKITA ni Emerito Rojas, founder ng New Vois Association of the Philippines, kasama ang mascot ng DOH na si Yosi Kadiri, ang ilulunsad na bagong pakete ng mga sigarilyo na may larawan ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo.

DIEGO MARIANO/ INQUIRER


INILUNSAD ng Department of Health (DOH) ang kampanyang “Cigarettes are eating you alive” dahil sa nakababahalang bilang ng mga naitatalang namamatay dahil sa direktang paninigarilyo at dahil din sa second-hand smoke (SHS) o ang hindi direktang paggamit ng sigarilyo.

Sa pagtutulungan ng DOH, New Vois of the Philippines, at ng World Lung Foundation, ilulunsad simula Agosto 15 sa mga pambansang himpilang pantelebisyon. Ginawa ito upang hikayatin ang mga naninigarilyo na itigil na ang bisyo at suportahan ang mga batas laban sa paninigarilyo. Kasabay nito ang paglunsad ng bagong pakete na may larawan ng mga sakit na dulot ng paninigarilyo. May dalawang anunsyong panserbisyong publiko ang kampanya, una ay ang nabanggit na kampanya at ang pangalawa ay ang “Cigarettes are eating your baby alive.”

Dahil sa SHS, 3,000 Pilipinong hindi naninigarilyo ang namamatay dahil sa lung cancer taun-taon.
Ayon kay Health Secretary Janette P. Loreto-Garin, kailangang maging mulat ang mga Pilipino ang masamang epekto na sanhi ng SHS, maging ang maraming respiratory diseases na sanhi ng paninigarilyo. Dahil din sa paninigarilyo, halos P188 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng bansa. Dahil dito, kailangan ng malawakang pagpapatupad at suporta sa mga patakarang kumokontrol sa mga tabako.

Kung sakaling maging matagumpay ang nasabing kampanya, hindi dapat magalala ang mga nagtratrabaho sa industriya ng tabako. May matatanggap ang industry players tulad ng mga magsasaka ng tabako at ang mga empleyado ng mga kumpanya ng tabako. Ayon kay Dra. Paulyn Jean B. Rosell-Ubial, Assistant Secretary of Health, “proceeds of the sin tax is actually allocated for alternative livelihood for the tobacco industry players as well as the farmers so 85 percent of the sin tax goes to the DOH, and 15 percent goes to the industry players particularly the Department of Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority and Department of Labor and Employment.”

Kada oras, 10 Pilipino ang namamatay dahil sa mga karamdamang kaugnay ng paninigarilyo. Wastong pamamahagi lang ng impormasyon ang makakapagpigil o makapagpapabawas sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ang mga namamatay dahil sa paninigarilyo. Ayon sa NVAP Founder at President na si Engr. Emer Rojas, “Mass Media campaign can help to raise awareness of the harms of tobacco and effect behavior change at population level.”


Noong 2010, 600,000 ang namatay na non-smoker sa buong mundo. Sa huli, ang sabi ni Health Secretary Garin, “With these facts, Students should know the harmful effects of smoking and there are no benefits in starting the habit. They should be smart and never start smoking.”


Published on Inquirer Libre August 12, 2015

Thursday, August 6, 2015

Malaki ang matitipid kung mahusay ang gamit


 
Daikiri Mihara, Presidente ng Honda Philippines habang sakay ang bagong Honda TMX Supremo

DIEGO MARIANO, INQUIRER
MAY MAGANDANG balita si Elie Salamangkit, product planning and development manager ng Honda Philippines sa mga nagmamaneho ng tricycle sa Novaliches.

“P10,000 halaga ng gasolina ang matitipid sa isang taon,” aniya sa paglunsad ng 2nd Generation TMX Supremo ng Honda Philippines.

Maaring mapagastos sa unang pagbili ng bagong kagamitan, pero kung ang mas mahusay ang bagong kagamitan na ito kung ihahambing sa kasalukuyang lumang kagamitan, maituturing itong “sulit.” Tinatawag itong “long-term investment,” mapapagastos sa una pero sa pagtagal mas mararamdaman ang katipirang dulot ng mas mabisang kagamitan.

“Marami ka nang mabibili sa halagang P10,000,” sinabi ni Salamangkit. Kung ihahambing sa ibang tatak ng motor na pampasada, mas matipid sa gasolina ang bagong TMX Supremo ng Honda dahil mas angkop ang 5 Speed-150cc makina ng Supremo sa mabigatang trabaho, “work horse” kumbaga.

Ngunit kahit ginawang pampasada ang motor na ito, hindi pa rin mawawala ang pagiging komportable at elegante nito. Sa bagong TMX, mas pinaganda ng Honda ang tangke nito na may eleganteng sticker at ginawang flat ang upuan sa likod upang maging mas angkop sa upong pang “backride.”

“Lulutong at hihina ang bakal kapag mali ang timpla ng bakal sa tuwing ito ay winewelding,” pinaliwanag ni Salamangkit makaraang ipakita sa mga tsuper ang madaling pagkabit ng sidecar sa motor nang wala pang tatlong minuto, dahil sa nakaabang na kabitan na nasa motor na mismo.

Hindi lang makatitipid sa gasolina ang pamumuhunan sa isang bagay na episyente tulad ng Supremo, makatitiyak din ito sa seguridad ng mga ari-arian at sa kaligtasan ng mga mayari. May mga katangiang pangseguridad at pangkaligtasan ang bagong Supremo.

“Mahihirapan ang mga magnanakaw dito,” patawang sinabi ni Salamangkit. Taglay ng bagong Supremo ang “Secured Key Shutter” kung saan walang sinuman ang makakapagpasok ng kahit anong susi sa susian sa tuwing iiwanan ng tsuper ang tricycle niya sapagkat mayroon itong takip nasasara sa tuwing aalisin ang susi. “Kahit ang kapitbahay mong may Supremo hindi rin ito mbubuksan,” aniya.

Mayroon din itong “Integrated Handle Bar Lock” kung saan sa oras na i-lock ng tsuper ang manibela sa anumang ayos ay mananatili ito hanggang sa balikan ito ng tsuper. At ang “Passing Light” kung saan may kakayahan ang motor na i-todo ang ilaw o headlight nito upang mapansin ng tsuper na nasa unahan na may mag-o-overtake sa kaniya, upang maging ligtas ang biyahe at ang pasahero nito.

Sa pamumuhunan sa mga mahusay na kagamitan, tulad ng motor na may mga ganitong katangian, maiiwasan ang mga aberya at sakuna. Malaki ang matitipid ng isang tsuper sa pera at sa oras, at maraming buhay ang maliligtas.


Published on Inquirer Libre August 6, 2015


Wednesday, July 29, 2015

Philhealth makagagaan sa pagharap sa kanser

AHMC Presidente at CEO Andres Licaros Jr. proud na pinapakita ang logo ng bagong ACI
DIEGO MARIANO, INQUIRER


SANA maraming Pilipino ang mag-Philhealth,” sinabi ni Dr. Joven Tanchuco, Asian Cancer Institute (ACI) Chief Medical Officer, sa araw ng pagtatag sa kauna-unahang Asian Cancer Institute (ACI) ng Asian Hospital and Medical Center (AHMC) sa Pilipinas.
Hinihikayat ng ACI ang mga Pilipino na magpa-insure sa Philhealth bilang paghahanda sa anumang hindi inaasahang problemang pangkalusugan, lalong lalo na sa sakit na kanser, o “Big C.” Hindi lingid sa kaalaman ng pamunuan ng AHMC ang hirap at gastos ng pagpapagamot mula sa sakit na Kanser.

“Dalawa lang ang pinangangambahan ng mga tao sa tuwing malalaman nilang mayroon silang kanser, una, gagaling ba ako diyan? At pangalawa, baka naman maubos ang kabuhayan ko diyan,” ani AHMC Presidente at CEO Andres Licaros Jr. Dahil sa dalawang rason na binanggit ni Licaros, nag-isip ang AHMC kung paano matutugunan ang pangangailangang pang-medikal lalong lalo na sa kanser ng mga Pilipino, at ito nga ang pagtatag ng ACI upang tugunan ang mga problemang ito sa mabilis at makabagong pamamaraan.

Ang makabago at mabilis na pamamaraan na ito ay ang pagpapakilala ng “multi-disciplinary care” o ang paggamit ng iba’t ibang disiplina ng medisina sa paglunas ng sakit at ang pagbili ng mga makabagong kagamitang pang-medikal mula sa ibang bansa, mga kagamitang wala pa sa Pilipinas sa ngayon. Ayon kay Dr. Enrico Tangco, special projects coordinator ng ACI, “We hope to increase the cure rate, the quality of care for the patient, and the quality of life of the patient.”

Sa multidisciplinary care na ito, hindi lamang iisang doktor ang susuri sa pasyente kundi isang grupo na nagmumula sa iba’t ibang disiplina ng medisina para sa mas wastong pagsusuri ng sakit. Sa bagong tatag na ACI matatagpuan ang pinakabagong kagamitan pangmedisina mula sa ibang bansa tulad ng TomoTherapy HAD-H at ng Brachytheraphy.
Ang iba sa ospital na ito ay ang kanilang uri ng pag-aaruga, na kung saan ipadarama nila na hindi nag-iisa ang pasyente na kailangan ng isang “team” upang labanan ang sakit na kanser, kasama na rito ang mga aktibidad na kasama ang pamilya ng may sakit tulad ng yoga, laughter at aroma therapy, at alagang ispiritwal, pati na rin ang pagkain ng mga pagkaing herbal at masustansya.

Sa mga serbisyo ng ACI, maaring masabing hindi mura ang mga gamutang ito, bagama’t ayon kay Licaros “kailangan din naman naming i-maintain ang mga kagamitan… at iexpect nila na may babayaran talaga. Ang presyo ng mga serbisyo namin ay sapat lang.” Mayroon ding foundation ang AHMC upang tulungan ang mga kapus-palad na gustong magpagamot pero hindi sapat ang kabuhayan upang maipagpatuloy ang na mahal gamutan.

Bagama’t may foundation ang AHMC, hindi ito sapat upang tugunan ang lahat ng kapus-palad na may sakit na kanser. Kaya hinihikayat nila ang mga Pilipino na mag-avail ng Philhealth, malaking tulong na rin sa mahal na gamutan ng sakit na kanser.


Published on Inquirer Libre July 29, 2015

Friday, July 17, 2015

6 Pinoys Advance to GT Asian Leg

Pasay City, Philippines - Plaques of Success.The photo shows the top 6 racers that will compete in the Asian leg of the GT Academy in Silverstone, U.K. From L-R Jof Cox ( Driving Specialist and GT Academy Specialist ) , Nicki Hewson ( events manager ) Raphael Miru Lesaguis ,Luis Cachero ,Terrence Aldrich Lallave, Jose Gerald Policarpio, Daryl Brady, Joel Agojo, Marlon Stockinger ( Filipino-Swiss -Louts F1 Junior Team race car driver and mentor) Antonio Zara ( Nissan Philippines In. President and Managing Director) SJ Huh (NPI General Manager for Marketing )

DIEGO MARIANO, INQUIRER


SIX lucky racers were qualified to compete in the Asian leg of the GT (Gran Turismo) Academy and reach the checkered flag in Silverstone, United Kingdom, in August 2015.


From the 15,000 virtual racers from Metro Manila, Bacolod, Cebu, Davao, and Cagayan De Oro, and from the 30,000 virtual race trials in 25 live events during the three month run of the event, only 20 lucky racers outraced the thousands of virtual racers and only six racers made it to fly to U.K.


Since the launch of the Nissan GT Academy last March 25, the six finalists—Raphael Miru Lesaguis, Luis Cachero, Terrence Aldrich Lallave, Jose Gerald Policarpio, Daryl Brady and Joel Agojo—have also been through “different challenges, not only driving challenges but also physical, mental, and personality challenges,” Nissan Philippines Inc. (NPI) President Antonio Zara explained.


The physical challenges tests the fitness level of the finalists include push ups, planking, and sergeant jump. Driving challenges, which include drifting, tested the driving skills of the finalists, while personality tests included a panel interview with selected members of the media. Simulator pods where it all started was also included in the challenges.


After all these challenges, some drivers thought there was still much to improve in their transition from virtual to reality. “More on training, on driving, more on physical aspect, more on driving kailangan paulit-ulit lang ’yon. Kailangang gumaling, ma-improve ang kailangang maimprove. Sa ngayon, ang kailangang ma-improve ’yong physical ko. ’Yong driving nai-improve naman ’yan, pero ’yong physical… kailangan talagang maimprove,” said Daryl Brady, a freelance I.T. race driver developer, and one of the six finalists.


These challenges prepared the six finalists who will race against each other, together with other Asian representatives from Thailand, India, Japan and Indonesia, but this time using a real race car. “The final top six candidates who successfully hurdle all these challenges can look forward to flying to the Silverstone Race Circuit in U.K. and compete in the GT Academy Asia Leg,” said NPI General Manager for Marketing Huh.


Swiss-Filipino Marlon Stockinger, Lotus F1 Junior Team driver, said, “while I am happy to share my knowledge and experience in racing, nothing beats the contestant’s determination and drive to succeed in this demanding sport.” He will also serve as the coach and mentor of the six finalists.


“We’re happy to be giving aspiring racers and gamers the opportunity to turn their dreams into reality,” Zara said.


Nissan Philippines helps fasttrack the dreams of more potential Filipino racers to race in the international racing arena.


Published on Inquirer Libre July 17, 2015